Thursday, August 31, 2006
ano pare, buhay ka pa?

Paaram padi...

yan ang narinig ko ngayon lang. dito kasi sa internet cafe, may pumasok na lalake at yun ang sinabi niya sa nakita niyang kakilala niya.

nak ng tootsie. sana ganun din masasabi ko kay ivan.

simula december, kami na lagi magkasama ni ivan. as in parang araw-araw kami magkasama. ilang girlfriend din ang dumaan sa kanya at yun at iyon din ang naririnig kong ikinukuwento niya. araw-araw kaming nagkikita. clean living pa ako nun kaya sa cafe lang kami nagkikita. nagsawa kami sa kape, yosi, iced tea, cheesedog, at kung anu-ano pa. pati nescafe freeze, pinatapos na rin namin.

naalala ko lang, ngayon lang na july, ilang araw matapos ang birthday ko, nakapag-usap kami. tapos nagkayayaan lumabas. ganun. shucks. okay pa naman siya nun.

tapos ngayong august, simula kaming lumabas lagi. di ko alam, ito na pala ang huling buwan na lagi kaming magkasama.

balik inom na rin ako. kaya ayun, sa inuman kami nagkakajamming. minsan, kaming dalawa lang. minsan, kasama namin mga kaklase niya. minsan, si wah. yung kami nila kiko, hindi natuloy. sayang, di na rin matutuloy yun.

pero noong nag-iinuman kami, lagi na niyang sinasabi na magpapakamatay na siya. dami niyang sinasabi. pinagtatawanan lang namin siya ng mga kaklase niya. lalo na nung magkuwento siya nung first time na sinabi niya na nagpakamatay siya at tumakbo mga kaibigan niya sa bahay nila. tawa kami nun ng tawa. tapos, sinabihan ko pa yung mga kaklase niya nun uwian na na huwag nilang iwan si ivan na umuwi mag-isa at kung anong gagawin nun.

hay. buhay nga naman.

naalala ko pa, nagtatawanan kami. sabi namin, pag tinuloy niya nga ang pagpapakamatay, kay kevin daw yung memory card ng phone niya. kay mac naman yung celphone. sabi ko ako, kahit yung tsinelas lang na suot niya. gusto ko kasi yun. natapos ang gabing yun na masaya kami at nagtatawanan. ang hindi ko lang alam, marami pa rin siyang kinikimkim sa loob niya.

naalala ko pa nung parang nagpapaalam na siya. sabi niya sa'kin, "peach, padi, gusto ko, pag naguran ako, gurugabi, idto ka sa lamay. gusto ko, iiba mo si nonoy. ipangilala mo ako na tatay niya. ipangilala mo man pati ang popsie niya tapos si papa niya." shucks. di ko alam, magiging totoo yun. agad.

tinawanan ko lang siya. sabi ko sa kanya, "padi, pano kung di ako magpaidto sa balay niyo?" sabi niya lang sa'kin, "sige padi. bahala ka."

ngayon, tototohanin ko ang gusto niya. kahit sa mga huling sandaling ganito.

kanina, feeling ko talaga, di ko na kayang tumayo. nanginginig ang mga tuhod ko. akala ko nga, joke na naman yun ni ivan. tapos mga CYF naman ang gusto niyang pagtripan. pero hindi. na-confirm ko na. ilang tao na rin ang nagtext sa'kin. si zyra, si ate weng, si ate may, si leonel, si ian. tang inang buhay 'to!

Paaram padi...

tapos, nung linggo lang, nag-inuman pa lang kami nila ivan kasama si leonel. buhay nga naman. tapos, pinagpaplanuhan pa namin yung birthday niya. hihingi daw siya ng 10,000php sa tatay niya. panggastos lang. tapos nagtatawanan pa kami kasi sabi namin, what if hindi pumayag ang tatay niya. sabi niya, eh di sige. 9,500 na lang. tapos sabi niya pa, mga 10 o 12 lang ang papapuntahin niya sa birthday niya. sabi niya, hindi niya daw isasama ang mga "demonyo" kasi ayaw niyang masira ang birthday niya. pero hindi na niya inabot ang birthday niya. hindi na nga talaga.

nagkuwento sa'min ni leonel si ivan na the night before, uminom siya ng isang banig ng expired na gamot. paggising niya, wala man lang daw siyang naramdaman. parang wala lang. sayang nga, ika niya. sana kahit sa hospital man lang daw siya gumising, okay na. nagsulat na nga rin daw siya ng suicide letter. naiwan niya nga lang ang wallet niya sa bahay. ipapabasa niya pa sana yun sa'min.

pero pinagsabihan namin siya ni leonel. sabi namin, ang pagkamatay ni rambo ay dahil sa kanyang pinaglalaban. sabi namin, sana siya din. yung may maraming maapektuhan at mamumulat. sabi namin, kung babae lang, hindi yun worth it. mas magiging maganda ang kanyang paghihiganti sa babae kung ipapakita niyang masaya siya.

kakaibang kamulatan naman ang ginawa niya sa akin. hindi lahat ng tao, kahit makulit at mukhang masaya ay totoong masaya. okay, sige. sabihin nating alam na natin ito, pero yung tipong makita mo talaga at marealize na hindi lang sa salita nangyayari ang ganun, kakaiba yun. iba talaga.

naalala ko nung isang araw lang na tumawag ako kay ate may. tapos sabi ko pa sa kanya na tawagan ka niya. ewan ko kung nagkausap kayo. pero sana. sana nga, nagkausap kayong dalawa.

naalala ko rin nung nagbabalak tayong lumabas nila kiko. si kiko, nagtext sa'kin at sinabi na itext daw kita. sabi niya sa'kin, nagdadrama ka na naman. nagpaalam ka na. nun pa. saming dalawa ni kiko. pero ewan ko. siyempre, kaya nga kami nag-aaya na lumabas nila kiko. dahil dun. para sa'yo.

naalala ko rin nung minsang napatambay tayo sa SBC. tapos lahat ng mga nangyari noon, pinagkukuwentuhan natin. tawa tayo ng tawa. halos lahat na lang napag-usapan nun. masaya ka pa nun. sobrang saya mo habang iniisip yung mga ginawa mo.

naalala ko nung naikuwento ko sa'yo yung minsang nainis ako sa sarili kong buhay. pati ikaw, nainis ka rin dun sa mga involved sa kuwento ko. ewan ko kung bakit. pero pati ikaw, parang gusto mo na ring awayin sila. silang mga "demonyo".

naalala ko nung sinabi mo na di ka na aabutin ng birthday mo. talagang pinanindigan mo yun. pero padi, di ako naniniwala na bangungungot ang ikinamatay mo. at kahit na ano pa ang sabihin ng ibang tao, may alam ako. kahit papaano dahil sinabi mo sa'kin at ipinagkatiwala mo sa'kin yun. pero di kita ni-judge kahit na alam ko. haka-haka lang yun. pero may alam ako. at alam kong di mo lang talaga piniling di huminga ngayong umaga. alam ko yan, ivan. at alam mo din yan.

hindi ko alam kung dapat akong maiyak. nararamdaman ko ang lungkot. in fact, nasa state of denial pa rin ako habang isinusulat ko ito. para bang iniisip ko na mamaya lang ay magtetext na yun sa'kin at sasabihing, "padi, painom na." puta. wala na. kelan na lang tayo ulit mag-iinuman? (shucks, ngayon, gusto ko na umiyak. pipigilan ko na lang muna. pero sa loob, umiiyak na ako.)

naisip ko lamang, isang buwan lang ang pagitan nila ni rambo. si rambo, july 31, isang araw matapos ang birthday niya. ikaw naman, august 31, sampung araw bago ka magbirthday.

padi, sayang. di mo man lang nakita si nonoy. tatlo na sana kayong tatay niya. salamat padi. dami kong natutunan sa'yo kahit papaano. salamat talaga padi. kahit sa mga mumunting bagay na ginagawa mo para maging masaya ako. salamat sa mga mumunting bagay na ginawa mo para maayos rin ang relasyon ko sa mga tao sa paligid ko. ikaw ang nagbigay ng daan para sa mga yun. at salamat sa mga masayang nangyari pati na rin sa mga hindi. buti na lang at nagkaintindihan na tayo sa mga bagay na di tayo nagkasundo at nagkaroon ng maling pagkakaintindi. salamat padi sa mga kuwento at sa kakulitan. salamat padi sa mga alaala. salamat padi sa mga kagaguhan natin. salamat sa pagtanggol sa'kin sa mga "demonyo". salamat padi sa simpleng pakikisama at pagiging kaibigan lalo na nung ako din yung namumrublema. salamat padi sa pag-intindi din sa'kin. salamat padi sa mga ngiti at sa mga tawa na pinagsaluhan natin (pati na rin sa beer at pulutan at sa iced tea, yosi at kape). salamat padi.

magkasama na kayo ni rambo. eto na ang gusto mo, di ba? matagal na. sabi nga, there's a purpose. at marahil, natapos mo na rin ang purpose mo. hayaan mo, di ko kakalimutang ipakilala ka kay nonoy kahit na wala ka na dito. ipapakilala pa rin kita bilang si tatay ivan.

padi, di pa rin dito nagtatapos ang kuwento mo at ang kuwento mo sa lahat ng mga nakasama mo. hay. pero ingat ka pa rin.

pero in the state of denial pa rin ako. promise.




atomicgirl shared her thoughts at 07:34 pm
share your thoughts  

Thursday, August 31, 2006
ivan, is this some kind of joke?

ano ba ivan? totoo ba ito? or is it just another one of your jokes about death and dying? pero if it is true indeed, i don't think bangungungot yun. kilala kita ivan. alam ko ang mga sinasabi mo at ang mga kinukuwento mo. hay...

anyhow, to see is to believe. kaya naman, i'll soon be visiting you. hope to see you well. not the way na nabalitaan ko lang ngayon. oh please. alalahanin mo ang mga sinasabi namin nila leonel. alala mo yun? nung nag-inuman tayo last sunday? yun. tandaan mo yun. iba yung kay rambo, iba yung sa'yo. these two are far different from each other and death is not the only solution.

alalahanin mo rin kung ano ang mga martyr at kung ano ang mga nangyayari sa kanila. iba ang bayani sa martyr. ang martyr, hindi nagiging bayani. kinakalimutan sila.

pero...

ah ewan. basta.

to see is to believe na lang. at kung in case totoo man ito, wag ka magpapakita sa'kin. gagu 'to! baka ako sumunod. ayaw ko naman ng ganun. may anak pa ako.

at gusto ko pa siyang makitang lumaki pa.

at kung totoo man ito, pano na si sky? di na niya makikilala ang tatlo niyang ama -- si papa, si popsie, at si tatay. wala si tatay.

hay ivan.




atomicgirl shared her thoughts at 05:06 pm
share your thoughts  

Tuesday, August 29, 2006
OC-ness

shucks. i did not know that i could be this OC. but then, all i know is that i've been OC about files and all but i just did not quite realize it.

hala. pasensiya. pero ganun talaga.

lahat na lang talaga ng files, gusto ko na maayos. lalo na sa mga PC. gusto ko lagi na lang walang files na nakatambak lang. yung tipo bang, hindi na rin lang naman kailangan, gusto ko nang i-delete. basta. ganun. ewan ko ba talaga. wahaha.

gusto ko rin laging na-scan disc ang pc. ah ewan.

anyway, gusto ko rin kapag sinabi ng tao na ganito, gusto ko ganun na lang. kasi hindi lang naman siya ang mayroong mga plano sa buhay (or for the day). kaya kung napagplanuhan na ganito ang gagawin, sana natutuloy.

kaya naman minsan, parang ayaw ko na magcommit sa kung anu-ano. ayaw ko na rin sumama sa ibang tao. ako na lang. ako na lang bahala. para at least, kung ano man ang mangyari, wala akong ibang sisisisihin kundi ako lang. pucha. may buhay din ako at hindi ito nakarevolve sa buhay ng ibang tao.

pasensiya na. naiinis lang talaga kasi ako. lalo na yung mga mga konsiderasyon.

nakakainis lang talaga.

ah basta. matamaan na lang ang dapat matamaan. sinasabi ko lang ang gusto ko.

kung nasaktan ka man, eh di guilty ka. tumbling ka na lang muna.




atomicgirl shared her thoughts at 08:28 am
share your thoughts  

Friday, August 25, 2006
A Message For Those "Other Women"

You may be proud that he took you in his arms while we are still together. But you will never have that feeling that no matter what happens, he still comes back to me. You will never be proud that despite all the things you did to keep us apart, he still is mine. You will never have that feeling of elation when he is so proud of you that he is not ashamed to show you off to the world. You will never be that happy when he comes and he sits beside me, instead of you. You will never have that satisfaction of being seen with him in public as a couple. You would not have the satisfaction of hearing from people that you two are inseparable.

You will only be shrouded in the dark and all you can do is try to make yourself clean and pure when you in fact are not. You have tried all your best to get him but he only wants you for sex and nothing else. In fact, he is not even the one to start the act but you would be the one to do it instead. You think he is happy with you but all he cares about is fucking you and nothing else. Things do not go deeper from there. And if he showers you with words of appreciation or of sweetness, that is because he simply wants you to make you feel special so as to make the deed even better for him. But does he never tell you that in front of your friends? No, because to him, you are simply one of the people around him. One of those who is willing and ready to take off her clothes just to get him to like her. You try to love other people but it does not work and you still go back to your old ways. And he knows that. For him, you are just a whore and you will remain to be a whore.

Ask his friends. They know.




atomicgirl shared her thoughts at 11:44 am
share your thoughts  

Wednesday, August 23, 2006
feeling the stress

akala ko, di na ako tinatablan ng stress. akala ko lang pala yun.

kasi naman, siguro kasi noon, bata pa ako. okay pa katawan ko. pero hindi na ngayon. kahit na anong sabihin mo, tumatanda na rin tayo kahit papaano. tsaka hindi na kasing lakas ang katawan natin, di tulad noon. dami na rin ng nagbago. sa lifestyle, sa mga ginagawa, sa trabaho. kaya siguro ganun. dami na rin pressure. at hindi mo masasabing hindi ka magpapaapekto kasi kahit papaano, naaapektuhan ka pa rin nun. depende na lang sa'yo kung papaano ka magpapaapekto. malay mo, positive naman ang epekto. at pag ganun, okay yun, di ba?

siguro time is taking on its toll lang siguro. ganun lang. malay ko.

pero sa dami ng trabaho na tinatanggap ko ngayon (take note, ang iba, willingly ko tinatanggap), napapagod na ako. napapagod pero konting pahinga lang, okay na rin siguro ako.

tulad kahapon, masama ang pakiramdam ko. pero wala akong sakit o kung ano. ganun lang siguro. naghalf day na lang ako at natulog. paggising ko, okay na ako.

ang problema lang kasi sa akin ay kapag may trabaho ako at alam kong di pa ako tapos, hindi ako makatulog ng maigi. in fact, ilang gabi na akong gumigising ng mga 2am or 3am or 4am kasi naiisip ko yung trabaho ko. o kaya naman, kapag weekends, kahit na late na ako matulog, maaga pa rin akong magigising niyan dahil alam kong may tatrabahuin pa ako. in fact, 7am na ang pinakalate ko na gising. kaya siguro ganun.

kasi naman, kailangan lang talaga kumayod. pero masaya naman ako. kahit papaano. konting stress reliever lang, okay na. kaya pading ivan, dapat madagos kita. da vah? wahaha. gusto ko ning burritos! yahoo!




atomicgirl shared her thoughts at 10:56 am
share your thoughts  

Next Page




Who is Atomicgirl?
Atomicgirl is a single mom who is currently jobless. Well, she does freelance SEO and writing jobs and that keeps her busy. She dreams of being a professional photographer and she dreams of owning her very own dSLR. She loves the Internet and she also collects movies, and good reads. She considers herself to be a fan of Johnny Depp and David Cook. At present, her constant source of happiness is her son, James Nicholas Sky, who is a bubbly and talkative two-and-a-half-year old. Although Atomicgirl graduated with a BA Communication Research degree, this feisty Bicolana is quite satisfied with the industry that she is involved in right now. She now lives in Legazpi City although she sometimes misses the fun times she had during her 6-year stay in the jungle of Manila. She is a woman. She is a writer. She is a mother. And she is most definitely not a saint.

Buy me a cup of coffee.


My Twitters

>>more here





   

<< August 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Powered by Blogdrive



ss_blog_claim=aa6abb72ea44cea768c7e8a3b1c059f5

Blogdrive