|
|
 |
 |
|
Wednesday, August 23, 2006
akala ko, di na ako tinatablan ng stress. akala ko lang pala yun.
kasi naman, siguro kasi noon, bata pa ako. okay pa katawan ko. pero hindi na ngayon. kahit na anong sabihin mo, tumatanda na rin tayo kahit papaano. tsaka hindi na kasing lakas ang katawan natin, di tulad noon. dami na rin ng nagbago. sa lifestyle, sa mga ginagawa, sa trabaho. kaya siguro ganun. dami na rin pressure. at hindi mo masasabing hindi ka magpapaapekto kasi kahit papaano, naaapektuhan ka pa rin nun. depende na lang sa'yo kung papaano ka magpapaapekto. malay mo, positive naman ang epekto. at pag ganun, okay yun, di ba?
siguro time is taking on its toll lang siguro. ganun lang. malay ko.
pero sa dami ng trabaho na tinatanggap ko ngayon (take note, ang iba, willingly ko tinatanggap), napapagod na ako. napapagod pero konting pahinga lang, okay na rin siguro ako.
tulad kahapon, masama ang pakiramdam ko. pero wala akong sakit o kung ano. ganun lang siguro. naghalf day na lang ako at natulog. paggising ko, okay na ako.
ang problema lang kasi sa akin ay kapag may trabaho ako at alam kong di pa ako tapos, hindi ako makatulog ng maigi. in fact, ilang gabi na akong gumigising ng mga 2am or 3am or 4am kasi naiisip ko yung trabaho ko. o kaya naman, kapag weekends, kahit na late na ako matulog, maaga pa rin akong magigising niyan dahil alam kong may tatrabahuin pa ako. in fact, 7am na ang pinakalate ko na gising. kaya siguro ganun.
kasi naman, kailangan lang talaga kumayod. pero masaya naman ako. kahit papaano. konting stress reliever lang, okay na. kaya pading ivan, dapat madagos kita. da vah? wahaha. gusto ko ning burritos! yahoo!
atomicgirl shared her thoughts at 10:56 am
Tuesday, August 22, 2006
i can say na ang pagtatrabaho ko at ang pagfi-freelance ko ay nagiging habit na rin sa'kin. parang routine. ganun. ngayon nga, gusto ko nang tumigil muna pansamantala sa freelance ko. para naman makapagpahinga ako. kahit unti.
pero hindi. kailangan ko pa kasi ng pera. saka ko na pag-iisipan kung kelan ako magpapahinga. pero di muna sa ngayon.
unwind lang. ganun. yun lang ang nagagawa ko.
nung saturday, uminom kami. kasama ko si ate razh tsaka si kuya ga (asawa ni ate razh). salamat pala kuya ga at siya ang nagbayad. ikaw daw kasi bahala sabi ni ate razh. hehe.
kahapon naman, nagkita kami ng ilang orgmates. nakipagbalitaan. tsismisan. tawanan. ganun. kakatuwa naman.
tapos hapon, nagkita kami ni ivan. wala kaming mapuntahan. as in. tapos nagpunta na lang kami sa SBC. wala pa rin. kuwentuhan at gaguhan. tapos naisipang mag-inuman. 100 lang pera, sige. inom kami. okay lang. masaya naman.
sana matuloy kami sa napagplanuhan namin. ganun naman talaga, di ba?
atomicgirl shared her thoughts at 09:06 am
Thursday, August 17, 2006
para kay ivan karl cabrera...
padi!
martyr ka! hehe!
pero kaya mo yan. sus. ika pa.
balik kita duman kun nuarin.
yahoo!
atomicgirl shared her thoughts at 09:51 am
Saturday, August 12, 2006
oo. medyo bumabalik na ako sa pag-inom. medyo lang. paunti-unti. ayaw ko naman sagarin pa. medyo wala pa ang resistensiya ko. di pa masyadong kaya. at kung magbrownout ngayon, iinom kami. para magasolinahan naman ang aming mga katawan.
nag-inuman kami ni ivan kagabi. ala lang. nagkuwentuhan. marami-rami rin yun. may nakakatuwa. may nakakainis. may nakakamiss. at may gusto kang patayin. ganun. nakakamiss nga. pareho namin iyon nasabi. may mga bagay talaga na nakakamiss. pero may mga bagay na sana'y natapos na lang agad-agad at di na humaba pa.
naiinis ako sa Smart. leche. yung message sa'kin kagabi na 9:00pm something galing sa friend ko, dumating ngayon nang 7am. ano ba yun? pamatay, di ba?
pero di ko makalimutan ang sabi ni ivan sa'kin, "kahit na anong gawin mo, pamilya pa rin kayo." may point siya. pero pamilya ba ang tawag sa nag-iiwanan?
atomicgirl shared her thoughts at 08:21 am
Wednesday, August 09, 2006
bakit ako inaantok? kasi kulang pa ang tulog ko. mga 10pm na ako siguro nakauwi. pero okay lang. masaya naman ako.
bakit? kasi nagkita kami ni ivan at tumambay. una, sa la mia. kuwento ng mga nangyari from the days na last kaming nagkita hanggang ngayon. dati kasi, araw-araw kaming nagkikita.
then, naisip naming puntahan si theiz. isa ring lagi naming kasama. pumunta kami ng BU. kaya lang, kakaalis pa lang daw nila theiz. ihahatid si brix kasi lalarga papunta somewhere.
tumambay lang kami ni ivan sa BU. la lang. nakipagkuwentuhan sa mga people doon. nakakatuwa. kuwentong pag-ibig kasi may grupo ng mga first year college na babae na napatambay dun kasi may isang namumrublema ng lovelife. hala. tawanan kami forever.
nung di na dumating si theiz at uuwi na rin daw sila, naisipan namin ni ivan na pumunta ng SBC. dun naman kami tumambay. ala lang. nakakatuwa. at dun kami inabot ng 10 ng gabi.
hay. ala lang. next time ulit. kaya kahit antok ako, masaya naman ako.
atomicgirl shared her thoughts at 08:14 am
|
|

Who is Atomicgirl?
Atomicgirl is a single mom who is currently jobless. Well, she does freelance SEO and writing jobs and that keeps her busy. She dreams of being a professional photographer and she dreams of owning her very own dSLR. She loves the Internet and she also collects movies, and good reads. She considers herself to be a fan of Johnny Depp and David Cook. At present, her constant source of happiness is her son, James Nicholas Sky, who is a bubbly and talkative two-and-a-half-year old. Although Atomicgirl graduated with a BA Communication Research degree, this feisty Bicolana is quite satisfied with the industry that she is involved in right now. She now lives in Legazpi City although she sometimes misses the fun times she had during her 6-year stay in the jungle of Manila. She is a woman. She is a writer. She is a mother. And she is most definitely not a saint.
Buy me a cup of coffee.
My Twitters
>>more here
|
|