Saturday, August 05, 2006
biyaheng buwan

nagpunta kami ni ta sha kahapon sa bulan. kaming dalawa lang. di kasi nakasama si ate weng. umaga na kami nagpunta para makauwi rin kami.

mga pasado alas onse na kami nakaalis ng sorsogon. nakarating kami ng bulan ng mga pasado ala una. nagpahatid kami sa tricycle hanggang sa imelda st. ata. pero sabi ng tricycle driver, hindi daw niya alam. magtanong daw. sabi namin kila guran. saka lang niya narealize na kila rambo yun.

pagbaba ng tricycle, bumungad samin ang itim na telang nagsasabi at nagsisimbolo ng pagkamatay ni rambo. reimon 'rambo' guran. 1985-2006. nakalagay. sa taas nun ay ilang mga banner ng mga nangangalit na mga organisasyon tulad ng anakbayan at ng LFS. di ko matandaan kung ikatlong bandera kung saan galing iyon.

pagpasok namin sa maliit na kalye patungo sa kanila, di namin talaga alam kung saan. hangga't sa isang bahay, naramadaman ko na andun nga yung bahay nila. pero walang bahid na doon nakaburol si rambo. buti na lang at may dumaan na lalake at nagsabing sa bahay na yun daw nakaratay si rambo. nadatnan namin ang ilang tagasimbahan. dalawa lang sila actually. niyakap kami at hinalikan ng nanay ni rambo. kakaiyak niya lang daw. pero ayaw niya na daw muna umiyak ngayon. naamoy ko na agad ang mga kandilang nakasindi. nakita ang kabaong at ang mga bulaklak sa paligid nito. nakita ko rin ang mga debuho ng mga mukha nila che guevarra pati ang ilang mga poster na nagpapakita ng pagkaaktibista. bahay ito ng aktibista, nsabi sa'kin ni ta sha nung nakauwi na kami.

tinawag nila si noynoy. nilapitan namin ang kabaong. kakaiba siya sa mga kabaong na nakita ko. siguro dahil kaibigan ko ang andun. siguro dahil isang taong mas bata pa nga sa akin ang andun. siguro dahil ganun. at siguro dahil personalized ang kabaong. andun sa ibabaw ang mga bagay na dati'y kay rambo. ang ilang ID niya. ang isang kaha ng marlboro reds na bawas na. isang daang pisong nakatiklop sa loob ng kaha. marahil ang huling perang nasa bulsa niya. ang ilang mga mensahe ng mga kaibigan na hindi na niya nabasa sa friendster at sa internet. nandoon. may mga laruan nga na sabi ni noynoy ay sa pamangkin ata nila. mga munting sundalo na magbabantay daw sa kuya niya. sa baba ng kabaong, nandun ang chess board na marahil ay hilig laruin ni rambo. pati ang isang pares ng tsinelas na siguro'y lagi niyang gamit.

at si rambo, nakadamit siya ng barong. puti. mukha siya pa rin. mistulang natututlog. hinihintay ko na nga lang na dumilat siya at tumayo eh. pero wala.

pinakain kami ng nanay ni rambo. nagkkuwentuhan kami at kaharap din namin si noynoy. hindi na nga siya masyado nagkukulit pero nagkukuwento na rin siya. pero sa buong panahon na andun ako, di ko nakita ang kapatid nilang babae na kasama ni rambo ng siya'y walang awang pagbabarilin.

sa usap-usapan, parang hindi namin maatim na simulang magtanong tungkol sa nangyari. pareho kami ni ta sha nahihiya at natatakot sa kung anong magiging reaksiyon ng mga tao. ayaw namin kasing may umiyak. ako mismo, ayaw ko. ilang oras na silang umiyak simula ng mawala si rambo at ayaw ko nang dumagdag pa ng dahil lang sa isang tanong namin. minsan, natutuwa yung nanay ni rambo. tumatawa na nga siya. sabi niya, ngayon lang ako ulit tumawa. buti na lang at may tao dito. kung hindi, baka naloka na ako. natuwa ako nang nakita ko siyang ngumiti sa gitna ng bigat ng nararamdaman niya.

pakatapos, nagkakuwentuhan kami. ikinuwento ng nanay niya ang nangyari. hindi kami nagtanong. siya na mismo ang nagsabi. inihatid pa raw nila si rambo at ang kanyang kapatid sa queens, sakayan ng bus. hinalikan pa daw siya ni rambo. sa unahan daw naupo ang kapatid niya. si rambo sa pinakalikuran. nang papaalis na ang bus, narinig na nila ang putukan. ang kapatid ni rambo, di malaman ang gagawin dahil alam niyang andun sa likod ang kapatid niya. at dun, nakita niya nga, nakahandusay na ang kuya niya. nakadapa. duguan. dumadanak pa ang dugo.

sabi ng nanay ni rambo, after five minutes ng paghatid nila, di pa nga sila nakakapasok ng bahay ng tumawag ang kapatid niya ng kasama ng mga anak niya. sabi, "des, balik ka dito sa queens. dali!" at sa pagsugod nila, naabutan nila ang kapatid ni rambo na sinusuntok ang queens. nagsasabing, "di lumalaban ang kuya. wala siyang ginagawang masama." at sinabi pa sa kanilang, "dalhin natin sa doktor ang kuya."

nakita daw ng nanay ni rambo si rambo na nakadapa. hinalikan niya daw ito na parang sa baby. mainit pa raw nun si rambo. pero hinahalikan niya daw. sabi niya, mukha daw siyang loka-loka pero kahit naman sino, hindi na iisipin yun sa panahong ganun. anak niya yun. pinatay ang anak niya. wala siyang pakialam sa dugo.

isang tama ang nasa may braso ni rambo. para daw kasing niharang niya sa babaril. siguro sa shock na may baril na nakatutok sa mukha niya, di na niya nakayanang lumaban. dalawang putok ang tumama sa dibdib niya. humandusay na siya sa sahig ng bus. ngunit sinugurado pa ng pumatay at bago umalis ay pinaputukan pa ng isa sa ulo. wala na si rambo. iniisip na lang namin na siguro'y hindi na nakakatulog ang pumatay sa kasama namin sa simbahang si rambo.

pero sabi ng nanay niya, june at july, nagsasabi na si rambo na may gusto siyang patayin. sa boarding house nila mismo dito sa legazpi, ilang mga nagtitinda ng kung anu-ano ang pumasok na dati rati'y hindi naman. tapos sinabihan pa daw siya dalawang beses nang may taong tinutukan siya ng kamay na para bang babarilin siya. sabi ng tatay niya na magdala siya ng baril pero si rambo mismo ang ayaw. sinabi ng nanay niya na kung puwede wag na muna itong maging active pero sinabi ni rambo na ang balang papatay sa kanya ang siyang makakapagpasaya sa kanya. marahil sinasabi niyang ang kamatayan niya ang siyang magiging paraan para mamulat pa ang maraming tao.

umuwi kami ni ta sha na hindi pa rin makapaniwala.

sa pagtulog ko, siya pa rin ang naiisip ko. at hanggang sa mga panaginip, yun pa rin. pati sa paggising ko, si rambo, ang nanay niya, ang pamilya niya, at ang walang awang pagpatay sa kanya ang nasa isip ko.




atomicgirl shared her thoughts at 03:56 pm
share your thoughts  

Saturday, August 05, 2006
hay buhay...

oo nga. hay buhay talaga. kasi naman, natatanong ko sa sarili ko bakit pa ba ako patuloy na nasasaktan. hay. ang tanga ko naman kasi. sabagay, di ko naman masisisi sarili ko. i mean, i wasn't in control of the whole thingie. really. and i was not informed much. blind, maybe. but not stupid. there's a big difference.

anyway, nilalabas ko lang angas ko. kung bakit ganun. nak ng tootsie naman kasi. parang di na kasi puwedeng ipaghiwalay. holler! please lang.

pero kahit na ganoon, di ko pa rin makalimutan. sa ngayon nga, kahit na isinusulat ko ito, may kirot pa rin akong nararamdaman. siguro senti mode lang ako. pero kahit na. i should be able to laugh about it na. maybe i can. well, i do laugh about it na. pero it's not that laugh na totoong totoo. if i do laugh while talking about it and may kahalong luha, hindi dahil sa sobrang tawa. kundi dahil sa sakit. shucks. this is not so me. not so me. (mich dulce mode)

see? i can even joke while thinking about it. still. i must be pretty blind. until today.

the biggest wrong thing i've done maybe is that i was not aware enough. siguro dahil sa pride ko na rin kaya siguro ako ganito ngayon. isipin mo, naisahan ako. isipin mo, nangyari sa'kin yun. isipin mo, parang nakaka... ah ewan. basta. pero kahit na. iba pa rin.

kapag pinag-uusapan iyon, para bang wala ako sa present. parang inilipad ako ng hangin pabalik sa kahapon. masaya naman yun. pero may kahalong kainisan, galit at sakit. pero kahit na. natuto naman ako. sa mumunting paraan. pero kahit na. hinahanap ko pa rin siya.

ewan ko lang kung nagbabasa siya nito. oo ikaw. pero alam mo bang ikaw ang tinutukoy ko dito? alam mo bang para sa'yo ito? pero kahit na alam mo, wala ka rin namang gagawin, alam ko yun. masama man pakinggan pero wala talaga. hindi ko alam kung bakit ayaw mo kahit na alam kong kaya mo. pero kahit na nga. kahit na talaga. hay. siguro kailangan lang natin mag-usap. miss lang kita siguro. miss ko lang na kasama kita. close naman tayo noon, di ba? marami rin tayong pinagdaanang di makakalimutan.

ayan. senti mode na naman. ngayon, tugtog pa sa headset ko, only reminds me of you. kainis naman.

tama nga, "even the night, reminds me of you." para bang pag umaga, masaya pa ako't lahat. pero pag gabi, itinataboy ng dilim ng gabi ang sinag ng umaga sa buhay ko at ipinaparamdam niya ang lamig at ang buhay ko noon na nariyan ka pa. hay. hirap talaga. di ko alam. gaga na talaga ako. di na ako bulag. pero mukha handa na naman akong maging bulag ulit.

talaga lang. pero ayaw ko na. ewan. mixed emotions kasi lagi. basta ikaw. kainis. kainis ako. kainis ka rin. kainis rin kung bakit ganito. di ko alam kung sino ba dapat sisihin. kainis rin silang lahat. kainis na ang mundo. hay.

pero salamat na rin. salamat talaga. hindi ko sinasabi 'to sa'yo. at maaaring hindi ko nasabi ito sa'yo kailanman, pero salamat. sometimes, when you're close to someone, you always do take advantage of that person that sometimes you even forget to say the simplest thank you.

please. this is not so me.




atomicgirl shared her thoughts at 03:39 pm
share your thoughts  

Tuesday, August 01, 2006
more on rambo...

eto ang ilang mga nailathala sa web tungkol kay rambo guran. nakakapangilabot pa rin isipin hanggang ngayon.

click niyo na lang ang mga link para makita niyo. salamat.

http://www.arkibongbayan.org/2006-07July31-ambo-claver-florendo/ambo-claver-florendo.htm

http://s77.photobucket.com/albums/j60/lfsph/ambo/




atomicgirl shared her thoughts at 09:13 am
share your thoughts  

Tuesday, August 01, 2006
Another LFS leader shot dead in Bicol

A few months after the murder of Cris Hugo, a National Council member of the League of Filipino Students (LFS) in Bicol, another LFS member was shot dead in Bulan, Sorsogon today.

Rie Mon "Ambo" Guran, a 21 year-old student from Aquinas University was shot dead this morning at around 6 a.m. He was a 4th year Political Science student and was the LFS spokesperson for Aquinas.

Guran was shot in a bus terminal in Bulan, Sorsogon as he was on his way to his school in Legazpi. A lone gunman, with companions, boarded the same bus he was on and killed him. He acquired 4 gunshot wounds, 1 in the head and 3 in the body.

Guran celebrated his 21st birthday yesterday.

Guran's killing also came a month after the abduction of 2 UP students, Karen Empeno and Sherlyn Cadapan, in Bulacan, both LFS members.

"We are very upset and very much outraged by this recent murder. We are holding President Gloria Macapagal-Arroyo directly responsible for this killing as it happened a week after she praised Gen. Jovito Palparan's criminal acts in her SONA," said Vencer Crisostomo, LFS National Chairperson.

Crisostomo said Guran's killing shows that Arroyo's "vague" condemnation of political killings during her SONA last week "was only meant for PR".

"This proves the farcical nature of Arroyo's 'condemnation' of political killings: nothing is actually done to stop the murders and instead, murderers like Palparan are being honored. The implementation of her 'all-out war' and 'Oplan Bantay Laya' continue, targeting unarmed civilians and activists," said Crisostomo.

Crisostomo called on students to conduct "nationwide walk-outs and boycott protests" in response to the Guran's killing. "We have to stop this fascist rampage of the Arroyo regime. We cannot allow cold-blooded assasinations like this to continue targeting the youth of our nation. We will do every means necessary to make this government pay for its crimes and to get justice for the victims of the Arroyo regime," he said.

The League of Filipino Students (LFS) is a nationwide student organization formed in 1977 as an alliance against tuition increases. It has chapters in prominent universities, colleges and high schools accross the regions. Despite repeated categorical denial by the students, the group with around 10,000 members nationwide has been tagged as "communist fronts" and "destabilizers" by the government and elements of the Armed Forces of the Philippines (AFP). #

[source]




atomicgirl shared her thoughts at 09:13 am
share your thoughts  

Tuesday, August 01, 2006
LFS-UPLB Condemns the killing of Rie Mon “Ambo” Guran

League of Filipino Students – UPLB led today’s protest and candle lighting activities at the UPLB Humanities Steps, 3 pm, adding their voice to the entire youth and Filipino masses in condemning the killing of Rie Mon “Ambo” Guran, 21, Spokesperson of the League of Filipino Students in Aquinas University.

Guran was shot by still unidentified assailants in Bulan, Sorsogon, 6am today. He is the latest victim of US-Arroyo regime’s Oplan Bantay Laya, AFP’s murderous scheme disguised as an “anti-insurgency” campaign.

A former BS Agricultural Chemistry student of the University of the Philippines Los Baños, Guran chaired the local chapter of LFS-UPLB in 2002-2003. In the same year, he also served as a member of the UPLB University Student Council Volunteer Corps.

Remembering Ambo

Mark Velasco, chairperson of LFS-UPLB recounted that he last saw Ambo when he came here to visit during last year’s February Fair. He recounted that even if Ambo had already transferred school, he continued to serve the genuine and democratic interests of the students and the Filipino people.

Velasco described Along as “Astig na lider-estudyante – masiyahin at talagang maaasahan. Nung narito pa siya sa UPLB, kasama namin siya sa mga kampanya laban sa komersyalisasyon ng edukasyon, partikular ng UP.”

“Ambo’s death will not deter the us in our aim to advance the national democratic interests of the Filipino people. We will not ceases our efforts to consolidate and expand our ranks as we struggle and expose the evils of Oplan Bantay Laya.” Velasco added.

GMA’s Killer SONA

Velasco said that “Rie Mon “Ambo” Guran is the first youth fatality of GMA’s Killer SONA. Her acknowledgement of General Palparan’s work in her speech despite Palparan’s gruesome record of human rights violations, is a death sentence to those who oppose the government. This together with her 1B “counter-insurgency” program only legitimizes political killings which include the youth as targets.”

“GMA's SONA which promotes development through the creation of “superregions’ is a farce. Her all out war policy against CPP-NPA-NDF has instead resulted to the creation of “killerregions” due to upsurge of military operations in regions like Southern Tagalog and Central Luzon. Instead of propping up military funds, the government should rechannel it to education and social services. She even brandishes cha-cha as a solution to poverty but it will only worsen the current state of the country by eliminating what’s left of our national patrimony in exchange to further dependence on foreign capitalists. This will only lead to further state abandonment of education. In UP, for instance, the UP Admin is now proposing for a P1,000 increase per unit due to meager budget.” Velasco added. ###

[source]




atomicgirl shared her thoughts at 09:12 am
share your thoughts  

Next Page




Who is Atomicgirl?
Atomicgirl is a single mom who is currently jobless. Well, she does freelance SEO and writing jobs and that keeps her busy. She dreams of being a professional photographer and she dreams of owning her very own dSLR. She loves the Internet and she also collects movies, and good reads. She considers herself to be a fan of Johnny Depp and David Cook. At present, her constant source of happiness is her son, James Nicholas Sky, who is a bubbly and talkative two-and-a-half-year old. Although Atomicgirl graduated with a BA Communication Research degree, this feisty Bicolana is quite satisfied with the industry that she is involved in right now. She now lives in Legazpi City although she sometimes misses the fun times she had during her 6-year stay in the jungle of Manila. She is a woman. She is a writer. She is a mother. And she is most definitely not a saint.

Buy me a cup of coffee.


My Twitters

>>more here





   

<< August 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Powered by Blogdrive



ss_blog_claim=aa6abb72ea44cea768c7e8a3b1c059f5

Blogdrive