oo naman. masaya talaga ako. maraming bagay. pero natutuwa ako sa mga nangyayari ngayon. siguro, ito marahil ang mga iniwan sa'kin ni ivan. dahil wala na siya. iba na lang ang ipinalit niya na mga kaganapan sa buhay ko para naman daw matuwa ako. alam niya naman kung ano ang gusto ko eh.
siguro hindi ko totally nasabi sa kanya, pero ngayon, alam kong alam na niya kung ano ang mga yun. sabi nga ni ate may, malamang, tumatawa na yun si ivan kasi alam na niya halos lahat ng mga nasa utak nating naririto pa. haha. kakatuwa naman. pero ivan, salamat.
basta. masaya talaga ako. pero masaya ako na may halong kaba. kasi ayaw ko nang malungkot ulit. mabigo. madapa. ganun. pero kahit na ganun, alam ko ngayon na may kapalit ang mga pagdurusa ko noon. in fact, parang nawala na ang kahapon. parang di man lang dumaan ang mga taon at buwan. basta. masaya talaga ako. hindi ko na lang sasabihin kung bakit. akin na lang yun. kasi baka pag sinabi ko, mawala lang ang tuwa ko. hehe.
o siya. trabaho na muna. dami ko kasi munang gagawin eh. gusto ko lang i-share na masaya ako at natutuwa ako. salamat.
salamat ng marami. sa iyo. sa inyo.
atomicgirl shared her thoughts at 03:35 pm