Tuesday, September 12, 2006
paglisan ng isa, pagdating ng iba

sa paglisan ni ivan, marami akong gustong ipasalamat sa kanya. alam na niya yun. di ko na iisa-isahin pa dito. nasabi ko na yun at di ko na kailangang sabihin pa.

pero isa sa mga narealize ko, at ito din ang gustong-gusto nang mangyari ni ivan nung buhay pa siya, ay ang makabalik sa akin ang mga kaibigang nawala. pero di ko akalain na sa kamatayan ni ivan iyon mangyayari. pero kahit na. blessing in disguise pa rin yun.

ang pagkawala ni ivan ay siyang pagdating din ng panahon para muling mapalapit sa mga dating naging kaibigan at sa mga bagong kaibigan. sabi nga, isa ngang kaibigan ang tuluyang nawala sa panahong ito ngunit marami ang ibabalik sa'yo. at pinatunayan ito ni ivan. at marahil, tuwang-tuwa siya sa mga nagaganap. matagal na rin kasi naming napag-usapan ito at sabi nga niya, gagawa siya ng paraan. hay ivan... salamat padi.

nandiyan ang mga kaibigang nakatampuhan. nandiyan din ang mga kaibigang di mo naman close dati pero naging close na lang kayo. nandiyan din ang mga bagong kaibigang kahit sa isang gabi ng inuman, para na kayong magbarkada for life.

kaya salamat ivan. ingats ka sa bagong adventure mo. salamat talaga sa lahat. at hanggang sa muling pagkikita.

*****

kaarawan ni ivan nang siya'y dalhin sa kanyang huling hantungan sa mundong ito. pero hindi pa iyon ang huling lugar niya. marami pa siyang pupuntahan at marami pa siyang magagawa. pero hindi nga lang sa piling natin.

pasensiya na kila love at sa mga pamilya niya. hindi ako nakakasabay sa mga pagkanta at pag-awit para kay ivan. di ko lang talaga kasi kaya. kaya nga di ako pumasok noon. ewan ko ba. dinadaan ko na lang kasi sa tawa pero mabigat pa rin ang nararamdaman ko. pero siguro kasi, hanggang ngayon, iniisip ko pa na nandirito pa rin siya.

itinuloy pa rin namin ang kaarawan ni ivan. kahit apat lang kami. sabagay, okay na yun. kasi nga, kung andito si ivan, maiinis lang yun kung may kasamang mga "demonyo" na tinatawag niya. at malamang, maiinis lang yung kung may mga "dururatan" (in his own words). buti na lang, behave (so far) ang mga kasama ko. inalala namin si ivan at bumalik sa mga panahong magkakasama pa kami. pero tuloy ang buhay. si ivan ay mananatiling kaibigan namin at kahit sa anak ko o sa mga apo ko, mananatiling buhay pa rin siya sa mga kuwento ko.




atomicgirl shared her thoughts at 09:12 am

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry




Who is Atomicgirl?
Atomicgirl is a single mom who is currently jobless. Well, she does freelance SEO and writing jobs and that keeps her busy. She dreams of being a professional photographer and she dreams of owning her very own dSLR. She loves the Internet and she also collects movies, and good reads. She considers herself to be a fan of Johnny Depp and David Cook. At present, her constant source of happiness is her son, James Nicholas Sky, who is a bubbly and talkative two-and-a-half-year old. Although Atomicgirl graduated with a BA Communication Research degree, this feisty Bicolana is quite satisfied with the industry that she is involved in right now. She now lives in Legazpi City although she sometimes misses the fun times she had during her 6-year stay in the jungle of Manila. She is a woman. She is a writer. She is a mother. And she is most definitely not a saint.

Buy me a cup of coffee.


My Twitters

>>more here





   

<< September 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Powered by Blogdrive



ss_blog_claim=aa6abb72ea44cea768c7e8a3b1c059f5

Blogdrive