yan ang narinig ko ngayon lang. dito kasi sa internet cafe, may pumasok na lalake at yun ang sinabi niya sa nakita niyang kakilala niya.
nak ng tootsie. sana ganun din masasabi ko kay ivan.
simula december, kami na lagi magkasama ni ivan. as in parang araw-araw kami magkasama. ilang girlfriend din ang dumaan sa kanya at yun at iyon din ang naririnig kong ikinukuwento niya. araw-araw kaming nagkikita. clean living pa ako nun kaya sa cafe lang kami nagkikita. nagsawa kami sa kape, yosi, iced tea, cheesedog, at kung anu-ano pa. pati nescafe freeze, pinatapos na rin namin.
naalala ko lang, ngayon lang na july, ilang araw matapos ang birthday ko, nakapag-usap kami. tapos nagkayayaan lumabas. ganun. shucks. okay pa naman siya nun.
tapos ngayong august, simula kaming lumabas lagi. di ko alam, ito na pala ang huling buwan na lagi kaming magkasama.
balik inom na rin ako. kaya ayun, sa inuman kami nagkakajamming. minsan, kaming dalawa lang. minsan, kasama namin mga kaklase niya. minsan, si wah. yung kami nila kiko, hindi natuloy. sayang, di na rin matutuloy yun.
pero noong nag-iinuman kami, lagi na niyang sinasabi na magpapakamatay na siya. dami niyang sinasabi. pinagtatawanan lang namin siya ng mga kaklase niya. lalo na nung magkuwento siya nung first time na sinabi niya na nagpakamatay siya at tumakbo mga kaibigan niya sa bahay nila. tawa kami nun ng tawa. tapos, sinabihan ko pa yung mga kaklase niya nun uwian na na huwag nilang iwan si ivan na umuwi mag-isa at kung anong gagawin nun.
hay. buhay nga naman.
naalala ko pa, nagtatawanan kami. sabi namin, pag tinuloy niya nga ang pagpapakamatay, kay kevin daw yung memory card ng phone niya. kay mac naman yung celphone. sabi ko ako, kahit yung tsinelas lang na suot niya. gusto ko kasi yun. natapos ang gabing yun na masaya kami at nagtatawanan. ang hindi ko lang alam, marami pa rin siyang kinikimkim sa loob niya.
naalala ko pa nung parang nagpapaalam na siya. sabi niya sa'kin, "peach, padi, gusto ko, pag naguran ako, gurugabi, idto ka sa lamay. gusto ko, iiba mo si nonoy. ipangilala mo ako na tatay niya. ipangilala mo man pati ang popsie niya tapos si papa niya." shucks. di ko alam, magiging totoo yun. agad.
tinawanan ko lang siya. sabi ko sa kanya, "padi, pano kung di ako magpaidto sa balay niyo?" sabi niya lang sa'kin, "sige padi. bahala ka."
ngayon, tototohanin ko ang gusto niya. kahit sa mga huling sandaling ganito.
kanina, feeling ko talaga, di ko na kayang tumayo. nanginginig ang mga tuhod ko. akala ko nga, joke na naman yun ni ivan. tapos mga CYF naman ang gusto niyang pagtripan. pero hindi. na-confirm ko na. ilang tao na rin ang nagtext sa'kin. si zyra, si ate weng, si ate may, si leonel, si ian. tang inang buhay 'to!
tapos, nung linggo lang, nag-inuman pa lang kami nila ivan kasama si leonel. buhay nga naman. tapos, pinagpaplanuhan pa namin yung birthday niya. hihingi daw siya ng 10,000php sa tatay niya. panggastos lang. tapos nagtatawanan pa kami kasi sabi namin, what if hindi pumayag ang tatay niya. sabi niya, eh di sige. 9,500 na lang. tapos sabi niya pa, mga 10 o 12 lang ang papapuntahin niya sa birthday niya. sabi niya, hindi niya daw isasama ang mga "demonyo" kasi ayaw niyang masira ang birthday niya. pero hindi na niya inabot ang birthday niya. hindi na nga talaga.
nagkuwento sa'min ni leonel si ivan na the night before, uminom siya ng isang banig ng expired na gamot. paggising niya, wala man lang daw siyang naramdaman. parang wala lang. sayang nga, ika niya. sana kahit sa hospital man lang daw siya gumising, okay na. nagsulat na nga rin daw siya ng suicide letter. naiwan niya nga lang ang wallet niya sa bahay. ipapabasa niya pa sana yun sa'min.
pero pinagsabihan namin siya ni leonel. sabi namin, ang pagkamatay ni rambo ay dahil sa kanyang pinaglalaban. sabi namin, sana siya din. yung may maraming maapektuhan at mamumulat. sabi namin, kung babae lang, hindi yun worth it. mas magiging maganda ang kanyang paghihiganti sa babae kung ipapakita niyang masaya siya.
kakaibang kamulatan naman ang ginawa niya sa akin. hindi lahat ng tao, kahit makulit at mukhang masaya ay totoong masaya. okay, sige. sabihin nating alam na natin ito, pero yung tipong makita mo talaga at marealize na hindi lang sa salita nangyayari ang ganun, kakaiba yun. iba talaga.
naalala ko nung isang araw lang na tumawag ako kay ate may. tapos sabi ko pa sa kanya na tawagan ka niya. ewan ko kung nagkausap kayo. pero sana. sana nga, nagkausap kayong dalawa.
naalala ko rin nung nagbabalak tayong lumabas nila kiko. si kiko, nagtext sa'kin at sinabi na itext daw kita. sabi niya sa'kin, nagdadrama ka na naman. nagpaalam ka na. nun pa. saming dalawa ni kiko. pero ewan ko. siyempre, kaya nga kami nag-aaya na lumabas nila kiko. dahil dun. para sa'yo.
naalala ko rin nung minsang napatambay tayo sa SBC. tapos lahat ng mga nangyari noon, pinagkukuwentuhan natin. tawa tayo ng tawa. halos lahat na lang napag-usapan nun. masaya ka pa nun. sobrang saya mo habang iniisip yung mga ginawa mo.
naalala ko nung naikuwento ko sa'yo yung minsang nainis ako sa sarili kong buhay. pati ikaw, nainis ka rin dun sa mga involved sa kuwento ko. ewan ko kung bakit. pero pati ikaw, parang gusto mo na ring awayin sila. silang mga "demonyo".
naalala ko nung sinabi mo na di ka na aabutin ng birthday mo. talagang pinanindigan mo yun. pero padi, di ako naniniwala na bangungungot ang ikinamatay mo. at kahit na ano pa ang sabihin ng ibang tao, may alam ako. kahit papaano dahil sinabi mo sa'kin at ipinagkatiwala mo sa'kin yun. pero di kita ni-judge kahit na alam ko. haka-haka lang yun. pero may alam ako. at alam kong di mo lang talaga piniling di huminga ngayong umaga. alam ko yan, ivan. at alam mo din yan.
hindi ko alam kung dapat akong maiyak. nararamdaman ko ang lungkot. in fact, nasa state of denial pa rin ako habang isinusulat ko ito. para bang iniisip ko na mamaya lang ay magtetext na yun sa'kin at sasabihing, "padi, painom na." puta. wala na. kelan na lang tayo ulit mag-iinuman? (shucks, ngayon, gusto ko na umiyak. pipigilan ko na lang muna. pero sa loob, umiiyak na ako.)
naisip ko lamang, isang buwan lang ang pagitan nila ni rambo. si rambo, july 31, isang araw matapos ang birthday niya. ikaw naman, august 31, sampung araw bago ka magbirthday.
padi, sayang. di mo man lang nakita si nonoy. tatlo na sana kayong tatay niya. salamat padi. dami kong natutunan sa'yo kahit papaano. salamat talaga padi. kahit sa mga mumunting bagay na ginagawa mo para maging masaya ako. salamat sa mga mumunting bagay na ginawa mo para maayos rin ang relasyon ko sa mga tao sa paligid ko. ikaw ang nagbigay ng daan para sa mga yun. at salamat sa mga masayang nangyari pati na rin sa mga hindi. buti na lang at nagkaintindihan na tayo sa mga bagay na di tayo nagkasundo at nagkaroon ng maling pagkakaintindi. salamat padi sa mga kuwento at sa kakulitan. salamat padi sa mga alaala. salamat padi sa mga kagaguhan natin. salamat sa pagtanggol sa'kin sa mga "demonyo". salamat padi sa simpleng pakikisama at pagiging kaibigan lalo na nung ako din yung namumrublema. salamat padi sa pag-intindi din sa'kin. salamat padi sa mga ngiti at sa mga tawa na pinagsaluhan natin (pati na rin sa beer at pulutan at sa iced tea, yosi at kape). salamat padi.
magkasama na kayo ni rambo. eto na ang gusto mo, di ba? matagal na. sabi nga, there's a purpose. at marahil, natapos mo na rin ang purpose mo. hayaan mo, di ko kakalimutang ipakilala ka kay nonoy kahit na wala ka na dito. ipapakilala pa rin kita bilang si tatay ivan.
padi, di pa rin dito nagtatapos ang kuwento mo at ang kuwento mo sa lahat ng mga nakasama mo. hay. pero ingat ka pa rin.
pero in the state of denial pa rin ako. promise.