Monday, July 31, 2006
napakaiksi

oo nga. sobrang iksi ng buhay.

at kanina lamang, buhay pa si Reimond Guran, mas kilala bilang si Rambo o si Ambo. isa siyang aktibista. isa siyang taong alam kung ano ang kanyang pinaninindigan. hindi nga ako makapaniwala sa mga naririnig ko. pero ganun na lamang ang aking pag-alala nung narinig ko yung apelyido niya. sa radyo ko pa narinig yun. buti na lang wala akong pasok. hindi nga ako sanay na tawagin siyang reimond. para sa akin, para sa aming lahat dito na CYF, siya si rambo para sa amin.

tinext ko lahat ng kakilala ko ba kilala rin si rambo. walang nagrereply. ang iba naman, hindi sigurado kung reimond nga ang pangalan niya. kung hindi pa sinabi sa'kin ni ian na si rambo na nga yun at wala na siya, hindi pa rin sana ako lubusang maniniwala. tapos nagtext na rin si ate weng na si rambo na nga talaga, ayon kay monsi. ano pa nga ba ang magagawa ko? ano pa nga ba ang magagawa natin? isa namang buhay ang lumisan sa mundo nang dahil sa mga berdugong may hawak ng kapangyarihan ngayon.

sa mga panahong ganito, nanggagalaiti na lamang ako. ano ba sila at may kakayanan silang pumatay ng mga tao? diyos ba sila para kitilin ang buhay ng isang nilalang? alam ko eh, hindi naman, di ba? pero bakit ganun na lamang at nasisikmura nilang gawin yun. natatakot ba sila? marahil oo. takot na mabahiran ang kanilang mga kinaiingat-ingatang pangalan, kapangyarihan, at posisyon. ganoon na lamang ang gagawin nila para hindi maagaw at mawala sa kanila iyon. ganun na lamang ang kaya nilang gawin. walang sinasanto.

isa lamang si rambo sa maraming pangalan ng mga taong pinatay ng walang laban. ang tanging krimen na ginawa nila ay ang sabihin ang kanilang nalalaman at ipaglaban ang karapatan ng nakararami. kasalanan bang sabihin ang totoo? ang nagagalit ang siyang guilty at takot maibunyag ang kaalamang iyon sa mundo. hindi lamang ito natutungkol sa lahat ng may kapangyarihan. lahat ng tao, basta may itinatago na makakasisira sa kanila, gagawin ang lahat, manatili lamang itong nakatago. hindi ba't totoo iyon? hindi ba? pero kung ang gagawin mo ay ang pumaslang at kitilin ang buhay ng isang tao, mas lalong ibang usapan na ito.

hindi ko naman masasabing mabait na tao si rambo. as in yung tipong di makabasag ng pinggan. more of mabait in his own way, alam niyo yun. di kami close pag nagkikita kami. pero naging textmate din kami. lalo na nung buntis ako at walang makausap. pero take note, inaaya niya pa ako nun mag-inuman kahit na nung buntis pa lang ako. sira talaga siya. sira, oo. pero may sense. kumbaga, hindi siya sobrang bait. normal na tao siya. may sarili ring mga kalokohan. pero wala siyang ginawang masama. hindi masama ang mga sinasabi niya at mga ginagawa niya. mas masama ang pumatay ng kahit na anong ginawa at binuo ng diyos. lalo na't hindi ikaw, di ka diyos. at ngayon, wala na akong matatanggap na text na "kumusta?" o kaya "andito kami. kumakain sa may tabi. gutom na kasi kami at may tinatapos pa kaming paper." at kahit text na "inuman tayo sa convention. hehe." wala na. pero mananatiling nakaukit ang alaala niya sa lahat ng taong nakasama niya at nakasalamuha.

siguro, sa pagkamatay ni rambo, hindi pa rin dito nagtatapos ang laban niya. akala lang ng mga pumatay sa kanya na titigil na lahat kapag nawala na rin sa mundo si rambo. for all i know, patuloy lang ang laban. namatay si rambo nang buo at walang inuurungan. namatay siya dahil itinuloy niya ang pagtulong sa kapwa. nasa sa inyo na yun kung iisipin niyong masama ang tumulong at sabihin ang mga naisasaloob nila. at sa kanyang paglisan, maraming mata ang mamumulat sa katotohanan na walang sinasanto ang gobyernong ito. marami ang mamumulat at makikita ang tunay na kulay ng mundo at ang tunay na nagaganap sa paligid.

ka-chat ko din ang ilang kaibigan. nagulat din sila sa nalamang balita. may isa pa ngang nagtanong, "martial law na ba?" oo nga. mukhang martial law na naman. marami nang kinitil na buhay sa loob ng rehimeng ito. at marami pa siguro ang susunod. hanggang kailan ito titigil? kapag lahat ay papet na at ang lahat ay sumusunod na parang mga bulag at walang alam. tuta. ganun. pero hindi. may isip tayo at may damdamin. nasa sa atin ang pagdedesisyon. wala tayong dapat ipangamba. mas dapat na matakot ang mga may ginagawang masama. hindi tayo.

sa mga kaibigan at nakakakilala kay rambo, ingats na lang po tayo. sabi ng kaibigan ko, may files daw "sila" na mga pumatay kay rambo. may files "sila" ng mga kaibigan at kakilala ni rambo.

at sa'yo rambo. saludo pa rin kami sa'yo. asahan mong marami pa rin ang magpapatuloy ng mga nasimulan mo. at asahan mong hindi mawawala ang mga taong naniniwala sa mga ipinaglalaban mo. you're in our prayers. lalo na ang pamilyang naiwan mo. paalam. at ingats ka sa biyahe mo ngayon.




atomicgirl shared her thoughts at 03:39 pm

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry




Who is Atomicgirl?
Atomicgirl is a single mom who is currently jobless. Well, she does freelance SEO and writing jobs and that keeps her busy. She dreams of being a professional photographer and she dreams of owning her very own dSLR. She loves the Internet and she also collects movies, and good reads. She considers herself to be a fan of Johnny Depp and David Cook. At present, her constant source of happiness is her son, James Nicholas Sky, who is a bubbly and talkative two-and-a-half-year old. Although Atomicgirl graduated with a BA Communication Research degree, this feisty Bicolana is quite satisfied with the industry that she is involved in right now. She now lives in Legazpi City although she sometimes misses the fun times she had during her 6-year stay in the jungle of Manila. She is a woman. She is a writer. She is a mother. And she is most definitely not a saint.

Buy me a cup of coffee.


My Twitters

>>more here





   

<< July 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Powered by Blogdrive



ss_blog_claim=aa6abb72ea44cea768c7e8a3b1c059f5

Blogdrive